OFFICIAL WEBSITE OF LEZPINAY ORG PHILIPPINES
KANTA 05/15/2010
 
Picture

KANTA
By: Mysterio Escritor

Hinahanapan mo ako
ng masasayang tulawit.
Mga nagsasayawang salita
na nangungusap sa ating
pagiging isa.

Pasensiya ka.
Nawalan na kasi ng awit
ang mga berso kong
binigyan mo ng himig.
Wala na kasi akong
naririnig pang masasayang
linya na dating kumukumot
sa ating dalawa.
Unti-unti na kasing
humihina ang mga tinig
na humuhuni ng pag-ibig.

Naging mapaghanap ako.
Alam ko. Hinahanap
ang dati na
sa tingin mo nama'y
hindi nawala.

Sa tingin mo pala,
buo pa din ang musika
kahit wala ng koro.
 


Comments

`keepout
05/15/2010 03:47

kung sino ka mang mahiwagang makata ka, kahit na panay patungkol sa paghilahil sa gabi ang taludturan mo, maswerte pa rin ang babaeng tinutukoy dito.

Reply
insensitive
05/15/2010 04:33

hmmm.. panu nga ba.. magiging buo pa rin ba? siguro nga kung gugustuhin mo talaga.. mabubuo pa..

Reply
bea
05/15/2010 21:49

nice metaphor.. thought-provoking ^.^

Reply
Che
05/26/2010 18:43

hello there...

Reply



Leave a Reply