OFFICIAL WEBSITE OF LEZPINAY ORG PHILIPPINES
BABAE 05/02/2010
 

Picture
"BABAE"
By: Mysterio Escritor


Hihintayin kita sa dating tagpuan
doon sa ating paraisong nilimot
na ng mga panahong nagdaraan...

at pag dumating ka na,
lilisan ako,
kasama ang aking hinagpis,
luha at ang mga nakaraan pinipilit kalimutan

tangan ang sugatang alaalang
ibinilot sa nagluluksang basahan,

bitbit ang basag na kristal
na iyong winasak
upang sa aking paghakbang
ay masaksihan ko
ang paglaglag ng iyong anino
sa lamig ng simoy ng hangin na tila ba sumasang-ayon
sa puso kong sugatan.
 


Comments

sandy
05/02/2010 14:03

madugong drama!!!!!! like it masyadong mdamdmin..gwa ka din lalaki! lolz...nyz one!

Reply
Pinaipie
05/02/2010 15:09

Mysterio Escritor! Congrats! tinamaan ako tagos sa damdamin! =)

Reply
Pinaipie
05/02/2010 15:25

"DYOSA"

Masakit man isipin
na kahit kailan ang puso mo'y hindi magiging akin!
Sino ba syang pagmamay-ari ka
Kaya ba nyang ibigay ang mundo para lang mapaligaya ka?
Sana akin ka nalang
Sana ako nalang ang iyong minamahal ng iyong pusong minsan ng naging salawahan

Reply
Dyosa
05/02/2010 15:41

Pinaipie maganda sana pero para sakin ba yan? hindi salawahan ang puso ko! sadyang minsan mapaglaro ang tadhana! =) and nag iisa lang ang lama ng puso ko! buklatin mo pa ito! emo mode ba mga tao ngayon?! o masyadong naapektuhan sa tula ni mysterioso?! =)

Reply
GoyaSerg
05/02/2010 17:37

makata!!!! magaling hindi ko kayang sisirin ang rurok na iyong matatalinhagang salita. kakaiba pero emotera!!!

baka pwede masaya naman...

Reply
kAyLa_BeRRy
05/02/2010 21:35

makapagbagbag(tama ba? hehehe) damdaming tula! bravo bravo i likey like it! :)

Reply
Mysterio Escritor
05/03/2010 00:48

Walang kamukhang ang daloy ng isang isipan. Lalo pa't kung dinilig ito ng panahon at karanasan. Ang tula ko ay saksi sa likot at hiwaga ng pag-ibig, nagpapahiwatig ng makulay na karanasan ng isang taong nagmahal, nasaktan at magmamahal muli.

Reply
Patron
05/03/2010 01:13

dumugo ilong ko lols.. bravo bravo :)

Reply
Misty-Eye^B
05/03/2010 04:34

bat nga b wala akong ma-comment d2? hmmm hahaha...ang lalim josko...Goodluck and more power sa LP..i so love Lezpinay *woot woot*

Reply
unyielding
05/05/2010 06:38

ayaw ko na ng babae! gin na lang! siguro ang may akda nito in pain..

Reply
♥hidden♥
05/07/2010 03:38

BABAE nga nman...

Reply
^juan^
05/10/2010 01:14

naman...naman...babae ka rin diba?kaya dapat naiintindihan mo ang pagiging babae...babae...babae...babae..paano tyo ginawa...

Reply
FaLLeN
05/10/2010 01:46

Valid Sentiments. I'm sure she's sorry.

Reply
nichaiL
05/13/2010 18:57

hmmm... i feel like you're still hurting.. move on naaaa.. what's weird abt this is.. you waited for her then when she finally came.. you decided to leave... good riddance.. sana nga maging happy ka na.. find your SPARK.. mwuah lab kita... good one... malalim nga.. inde ko maarok..

Reply
LastkisS
05/14/2010 08:20

ang drama ng nagpagdaanan ng gumawa ng poem.. "fool" of emotions.. hehehe.. but i like it! thumbs up!

Reply
insensitive
05/15/2010 02:21

hahaha!! amfufu bat dko alam ang site na to?? hahaha ang arte ng drama..dko kaya bakla.. :)

Reply
`keepout
05/15/2010 04:02

galing ng pagka-express ng pain. haha. buti ka pa may words for your pain. tunay na makata.

Reply



Leave a Reply